Para sa isang negosyante, bawat oras at barya mahalaga. Wala kang maraming panahon o pera para aksayahin sa pantasya. Reyalidad ang matalik mong kaibigan sa negosyo at maging sa personal mong buhay.
Kapag talagang importante sa atin ang isang pangarap, hindi katakataka kung maging hindi realistiko ang pananaw natin sa proseso ng pagpupursige dito. Hindi masama ang maging optimistiko, subalit huwag nating hayaan na tayo ay malulong sa ideyalismo na lampas sa tunay na reyalidad, at pabigatin o pabagalin ang sarili nating paglalakbay bilang negosyante.
Ayon sa mga beteranong graduate at resource persons ng Technology Resource Center (TRC), lahat ng panalong diskarte sa negosyo ay naka-ugat sa realidad. Narito ang ilang napaka importanteng reyalidad sa pagnenegosyo na hind mo dapat pakawalan:
1. HINDI SUPER-TALINO ANG KAILANGAN SA NEGOSYO
Okey na okey kung mala-henyo ang talino mo, magagamit mo yan ng husto sa negosyo. Subali’t hindi super-talino ang kailangan mo sa negosyo, kungdi super-tiyaga. Sa pagtitiyaga, magiging mapag-tanong ka sa iba na mas matalino sayo.Tutuklasin mo ang talagang gusto ng kostumer. Hindi magdadalawang isip na ibasura ang orihinal mong ideya at kopyahin ang ideya ng iba kung yun ang talagang gusto ng mga kostumer. Sa halip na magsayang ka ng oras sa sobrang pag-iisip, mas pipiliin mong ubusin ang oras sa aktwal na pagnenegosyo. Sa bandang huli, sa pagtitiyaga, pwede kang tumalino.
2. HINDI RIN SUPER-HUSAY NA IDEYA ANG KAILANGAN
Kahit sino pwedeng makaisip ng maraming mahusay na ideya sa negosyo. Ang tanong, bibilhin ba yun ng maraming kostumer? Imbes na sa ideya ka mag-pokus, ang isipin mo ay kung paano malutas ang mga problema ng kostumer. Yan ang susi. Para magamit mo ang susi na ito, hindi utak ang paiiralin mo kungdi puso. Mahalin mo ang kostumer, tingnan mo ang kanyang mga problema. Tulungan mo siyang lutasin ang ian sa mga problemang iyan. Pagaanin mo ang kanyang buhay. Kapag palpak pa rin ang produkto o serbisyo na inaalok mo, subok ulit sa umpisa. Ganyan lang talaga. Tandaan mo, isang ideya lang na magki-klik ang kailangan mo para umasenso sa negosyo.
3. HINDI SUPER-BALANSE ANG BUHAY-NEGOSYANTE
Kahit gaano ka ka-busy, kilangan mo isingit at ipilit ang iyong pangangailangan sa kalusugan at relasyon. Sa puso mo, prayoridad pa rin ang pamilya, subalit sa reyalidad tanggapin mo ang katotohanan na minsan, mas marami ka talagang oras na igugugol sa negosyo. Kapag natanggap mo ang reyalidad na ito, mas magiging praktikal ang desisyon mo sa buhay-pamilya at buhay-negosyo. Walang masama kung mag-desisyon ka na sapat na ang kaunting yaman para hindi maisakripisyo ang pamilya. Wala ring masama kung magdesisyon kang talagang kailangan mong yumaman ng husto, dahil para din yun sa pamilya na gusto mong ibigay ang iagapay. Buhay mo yan, desisyon mo yan. Subalit alamin mo na magkaiba ang presyo ng dalawang desisyong ito. Kung mas realistiko ka, mas maiiwasan mo ang maraming pagkakamali at sama ng loob.
4. HINDI KA SUPERMAN, DI MO KAYA MAG-ISA
Kahit gaano mo pilitin, hindi o kaya mag-isa. Kailangan mo ng katulong, kailangan mong ipaibaya sa iba ang trabaho at minsan, pati desisyon. Kung pipilitin mong ikaw ang laging masusunod, magiging napakabagal ng iyong asenso: ikaw nga ang boss, pero ikaw rin ang nag-iisang dakilang empleyado – walang mangyayari sa’yo. Subali’t okey lang ang set-up na ito kung self-employment lang ang pangarap mo. Kung negosyo ang talagang nais mong itayo, dapat matuto kang kumilatis ng tauhan, makisama, magtiwala, magpaubaya, magbigay-inspirasyon. Kailangan matuto kang maging lider.
Alamin kung paano kumita sa internet gamit ang facebook na pwede ka kumita ng hanggang 180 k
ng paulit ulit ng walang binabayarang renta,payroll at higit sa lahat pwede mong gawin kahit nasa bahay ka lang kasama ang iyong pamilya.hindi ko maipapangako na pwede ka dito pero tingnan na din natin kung fit ka ba sa OPPORTUNITY na ito..
No comments:
Post a Comment