Saturday, March 7, 2015

3 Common Mistakes Newbie Marketers Make



Common Mistake # 1: Too Perfectionist - Don’t over analysed to avoid being paralyzed.
Wag mong i-expect na magiging perfect lahat lalo na kung nagsisimula ka pa lang sa business mo.
Ok lang magkamali sa simula.
Mas-importante ay yung mga matututunan mo sa’yong magiging experiences mo.
At magkakaron ka lang ng experiences kung gagawa ka kagad ng aksyon base sa mga training na inaaral mo.
Para sa’kin ang best approach ay watch 1 training at a time tapos implement mo kagad yung idea na natutunan mo.
Sa ganung paraan makikita mo kagad yung resulta ng aksyon na ginawa mo.
Results may vary depende sa aksyon na ginagawa mo, pero ang importante ay nagkakaron ka ng progress sa business mo.
Wag mong antayin na maging perfect ang lahat dahil walang business na perpekto.

Common Mistake # 2: They Don’t Leverage  - Kung makakahanap ka ng mga paraan para ma-automate yung mga repetitive task sa business mo… mas maganda ‘yun.
Dahil kapag mas maraming automation sa business mo, ibig sabihin mas marami kang libreng oras para magawa yung mga importanteng bagay. Mas marami ka ring libreng oras na mailalaan sa pamilya mo.
Ok lang minsan maging old school at magstay sa pure basic.
Pero tandaan mo… kaya ka nasa business ay dahil gusto mo ng freedom.
Gusto mo ng mas maraming income at mas maraming libreng oras.
Leveraging technologies can give you more freedom.

Common Mistake # 3: They Don’t Follow Through – Marami ang sa simula lang nage-effort at sa simula lang gumagawa ng massive action.
Kapag medyo bumagal ang business nila, ayun nagku-quit na o kaya naman ay tatalon na lang basta sa ibang opportunity. Tapos back to ZERO.
Success in any business requires discipline and consistent massive action.
Wag ka lang maging introvoyz!
Wag mong sayangin yung naunang effort mo, siguraduhin mo na tatapusin mo kung anong sinimulan mo.
‘Yan yung 3 common mistakes na nakikita kong ginagawa ng mga newbie.
I hope wag mo silang gawin.

comment below if you learn something from this post!


your friend in leadership,
Paul Vincent Lim
BLOGGER

No comments:

Post a Comment