Bago ka sumakay ng eroplano, ano ang madalas pumapasok sa isip mo?
“Paano kung mag-crash?!”
“Paano kung mag-crash?!”
Bago ka mag-umpisa ng negosyo, ano ang iniisip natin?
“Paano kung malugi?!”
“Paano kung malugi?!”
Aminin man natin o hindi, mas mabilis na mag-isip nang negative kaysa positive.
Ang pagiging negative thinker ay maaaring maging isang bad habit. At dahil ito'y habit, aminin natin na mahirap talaga maging positive thinker lalo na kung di ka naturuan na maging positibo at madalas na nakapaligid sa iyo ay yung mga taong nega.
Ang tanong. Paano kaya maging positive thinker kung ang mga nakapaligid sa ‘yo ay laging negative?
10 PRACTICAL TIPS TO STAY POSITIVE
TIP #1: SURROUND YOURSELF WITH POSITIVE PEOPLE
Okay lang na marami kang kaibigan, pero piliin mo ang circle of friends mo.
Ika nga e, "tell me who your friends are and I will tell you who you are". Kapag hinayaan mong mapaligiran ka ng mga taong puro reklamo, ungrateful, ma-drama at nega, hindi malabong yan din ang maibigay nila sa iyo na impluwensya. Nakakahawa pa naman ang pagiging negative!
Ika nga e, "tell me who your friends are and I will tell you who you are". Kapag hinayaan mong mapaligiran ka ng mga taong puro reklamo, ungrateful, ma-drama at nega, hindi malabong yan din ang maibigay nila sa iyo na impluwensya. Nakakahawa pa naman ang pagiging negative!
Choose those who are supportive and positive. If you expose yourself to these kinds of people, they would really help you think and act positively.
TIP #2: ALWAYS THINK THAT THE GLASS IS HALF FULL, AND NOT HALF EMPTY
Ang buhay ay parang roller-coaster ride. Merong 'ups and downs'. Hindi laging bed of roses, minsan bed of thorns. Kahit anong mangyari sa buhay mo, lagi mong iisipin na meron itong purpose. Hindi mo man makita ang bigger picture sa ngayon, balang araw ay mare-realize mo na ang nangyari sa'yo ay for the better and not for the worse. If you're having a bad day, pilitin mong isipin kung ano ang magandang nangyari sa'yo sa araw na 'yun.
Halimbawa, kung nanakawan ka, pasalamat ka pa rin at gamit lang ang nanakaw sa'yo at hindi buhay mo. Kung nalugi ka, buti na lang na pera lang ang nawala, dahil kaya pang kitain ‘yan. Its all about focusing on the brighter side of life and not on the darker side. Ang buhay naman ay parang season lang, minsan maaraw, minsan maulan, minsan mahangin. Kahit anumang season ng life mo, isipin mo nalang na lilipas din yan.
TIP #3: SET ASIDE A 'ME' TIME
Minsan kailangan lang nating mag-relax at mag-slow down. Madalas kasi kapag stress and occupied ka nang maraming bagay sa buhay, parang wala ka nang makitang maganda sa buhay. Try mo maglakad-lakad sa park, mag-bisikleta, makinig sa music, mangisda, maupo sa isang sulok at magmuni-muni, at kung ano pang gawain na makakapag-relax sa'yo. We can all benefit from some time to escape reality and become lost within our own train of thoughts.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano sa palagay mo? Are you a negative thinker or a positive thinker?
Ano ang plano mong gawin para to become positive?
Let us continue tomorrow with the other things we need to do to stay positive.
source chinkee tan..
No comments:
Post a Comment