Paano Sagutin Ang Objection?
Maganda sana ROYALE KASO WALA AKO PERA PANG JOIN ?
Eto ang sagot d’yan:
“Seryoso? Wala kang pera!? Yang itsura mong yan wala kang pera?” Pero ‘pag gimik at inuman may pera ka, Tapos pag may bagong labas na iPhone bigla kang nakakabili. May paista-star bucks ka pa wala ka naman palang pera!!!”
LOL… biro lang wag mong sasabihin ‘to sa prospect mo baka bigla
kang dagukan..
kang dagukan..
Dalawang klase ng prospect ang nagsasabi ng ganitong klase ng objection. Yung isa yung mga wala talagang pera at yung isa naman ay yung mga nagpapalusot lang.
70-80% ng mga prospects mo na nagsabi ng ganitong objection ay mga nagpapalusot lang. Oo totoo! (Pwera na lang kung ang mga ini-invite mo sa BOM n’yo ay puros mga pulubi sa kalye. Yun talaga, magsasabi lahat yun ng totoo kasi wala talaga silang pera.)
I don’t really consider this an objection, Bakit?… Subukan mong magpunta sa mga urban na lugar at mga slum area. Makikita mo dun madaming hirap at walang pera. Pero wag ka, wala silang pera pero ang lalaki ng TV n’yan sa bahay. Naka cable pa. At ang malupit kapag may birthday, ang handaan bonggang-bongga.
Ibig sabihin, kahit anong bagay pa yan “kapag gusto magagawan ng paraan, kapag ayaw, makakaimbento ng dahilan.”
Madalas palusot lang itong objection na ‘to. This is an easy way out. Madalas mong matatanggap ang ganitong klase ng objection kung hindi mo kina-qualify at sino-sort out ng maige yung mga prospects na kinakausap mo.
Para ma-handle mo ng tama ang objection na ‘to, kaylangan mo lang alamin kung nagpapalusot lang ba ang prospect mo o nagsasabi ba s’ya talaga ng totoo.
Dahil ang realidad ay pwede mong sabihin sa prospect mo ang lahat ng paraan para makapag start sila ng kanilang business at kung paano sila makakapag raise ng pang invest. Pero ang tagning mga gagawa lang ng aksyon ay yung mga tao na nakita yung bigger picture ng network marketing.
Ang matutulungan mo lang talaga ay yung mga interesado at yung talagang desedido.
Eto yung pwede mong sabihin para malaman mo kung nagsasabi ba sila ng totoo o nagpapalusot lang sila.
ANSWER 1:
Prospect: “Wala akong pera”
Ikaw: “Ang ibig mo bang sabihin ay interesado ka sa business na ‘to pero wala ka lang pera O sinsabi mo lang na wala kang pera dahil mabait kang tao at ayaw mo kong ma-offend kaya hindi mo kagad masabi na hindi ka interesado?”
Kapag sinabi nilang hindi sila interesado, eto sabihin mo…
Ikaw: : Sabi ko na eh… He he he, OK no problem. I understand. Hindi naman kasi talaga para sa lahat ang business na ‘to. Ang hinahanap ko lang ay yung interesadong matulungan ng opportunity na ‘to.
You can also ask for referrals…
Ikaw: “May kilala ka bang gustong kumita ng additional ____ per month
na additional income at pwedeng matulungan ng business na ‘to?”
na additional income at pwedeng matulungan ng business na ‘to?”
Kapag sinabi nilang interesado talaga sila kaso wala lang talaga silang pera, ang kaylangan mo lang gawin ay turuan sila kung paano magisip ng mayaman. How to think like a rich person.
Kaya kasi nila nasabi na wala silang pera dahil meron pa silang poor mindset. Gusto nila yung business pero hindi nila alam kung paano sila makakapag raise ng puhunan. Hindi pa sila resourceful. Tuturuan mo sila kung paano magiisip ng parang mayaman.
ANSWER 2:
Ikaw: “Naiintindihan ko yang sitwasyon mo. Nuong una kong nakita ‘tong business na ‘to ganyan din yung sitwasyon ko at ganyan din yung sinabi ko… “Wala akong Pera”.
Pero narealize ko… kung wala akong gagawin na paraan. At kung wala akong gagawing bago wala ding mangyayaring bago. Kung 5 years ago sinasabi ko na yung salitang “Wala akong pera, Malamang 5 years from now ay paulit ulit ko pading sasabihin yung salitang “Wala akong Pera”.
Kaya ang ginawa ko… Gumawa ako ng paraan, (Tell your prospect kung anong ginawa mong paraan para makapag raise ng pang invest)
Eto yung gusto kong itanong sa’yo… gusto mo ba na palagi mo na lang sasabihin yung salitang yan “Wala akong Pera”? Gusto mo ba palaging sakto na lang yung pera mo?”
Prospect: “Syempre hindi”
Ikaw: : “Ano yung naiisip mong paraan para makapag raise ng pang invest?”
ANSWER 3:
Make them Uncomfortable with their situation (in a nice way :P).
Prospect: Wala akong pera?
Ikaw: :: Totoo bang wala kang pera?
Prospect: Oo totoo
Ikaw: : : Anong pakiramdam ng walang pera? (Pagkatapos mong magtanong tumahimik ka at pakinggan mo yung sasabihin n’ya)
Prospect: Hindi OK
Ikaw: Paanong hindi OK? Pwede mo bang i-explain? (Let them talk)
Ikaw: PROSPECT NAME, mukang hindi nga OK yung ganyang sitwasyon at pakiramdam.
Pero pano mo magagawang mabago yang sitwasyon mo kung hindi mo babaguhin yung ginagawa mo o kung wala kang gagawing bago?
No comments:
Post a Comment