Wednesday, November 26, 2014

THREE LEVELS OF LEADER IN NETWORK MARKETING



MLM In The Philipines: How To Become Alpha Leaders.
Beta, Pre-Alpha and Alpha
Merong 3 groups or levels ng mga networkers according to the God Father of Attraction
Marketing. Ang pangalan n'ya ay Mike Dillard.
Ayon sa kanya ang tatlong grupo na yun ay ang Beta, Pre Alpha at Alpha.
Dito sa blog ko ipapaliwanag ko sa'yo kung anu-ano ang pagkakaiba at kung anu-ano yung mga characteristics ng mga networkers na nasa bawat grupo.



BETA: Ang unang group ay ang mga Beta. Ang mga networkers na nasa grupong ito ay 'yung kadalasang mga kakasimula pa lang sa network marketing at home based business Industry Sila yung mga tipo ng networkers wala pang mataas na confidence sa sarili at kadalasan ay mahiyain pa. Hindi pa sila gaanong sigurado kung ano ba talaga yung gusto nilang ma-achieve sa buhay. Wala pa silang malinaw na goals na gustong makuha. Kadalasan din ay wala pa silang value na maioo-offer sa ibang tao o wala pa silang knowledge at skills about their business.
Karamihan ng mga Beta ay yung mahilig umasa sa ibang tao at kapag may mga problema sa kanilang business madalas silang manisi imbes na umako ng responsibilidad.
Sila yung mga tipo ng mga networkers na kaylangang palaging mino-motivate para lang magpunta ng opis at para gumawa ng aksyon. Very reactive sila at madali silang maapektohan ng mga pangyayari sa buhay nila.