Monday, October 27, 2014

Ang Agila At Talaba


May 2 Itlog, Nagusap sila kung anong gusto nilang maging pag sila ay napisa na.
Ang sabi ng isang itlog; Gusto kong maging isang Talaba kapag ako ay napisa.
Walang desisyong kailangang gawin, Sunod sa agos ng tubig at lahat ng kanyang pangangaylangan ay ibibigay ng karagatan, pagkain, tirahan, at kung ano ano pa. walang labis walang kulang. Yun ang buhay na gusto ko. Maaring limitado man ngunit  Wala namang responsibilidad na kaylangang gampanan. Ang dagat ang bahala sa aking buhay.
Hindi ganyang buhay ang ibig ko, ang sabi ng pangalawang itlog. Ang nais ko ay maging isang Agila. Ang Agila ay Malayang gawin ang kahit ano at malayang lumipad. Oo ako ang responsable sa aking pagkain, tirahan, at sa aking buhay ngunit Malaya naming lumipad sa himpapawid at kabundukan. Ako ang may hawak ng aking kapalaran at hindi sabay sa agos lamang ng buhay.
Handa akong magsakripisyo para mabuhay na isang Agila.



Ikaw, Anong Gusto Mong Maging? Isang Agila Or isang Talaba?

This is a great story to tell your prospect to make them feel unhappy in their rat race job and situation and to give them motivation to take care of their life and future.

No comments:

Post a Comment