Wednesday, September 17, 2014

PAANO MO MAAATRACT ANG MGA PROSPECT MO? MORAL STORY OF APPLE COMPANY


MORAL STORY of APPLE?


Yung mga prospects mo na nagsabi na wala silang pera pang-join, pag-release ng iPhone 6 dito sa Pinas, makakabili ang mga yun tignan mo.
Kapag gusto maraming paraan ‘pag ayaw maraming dahilan.
Kapag ang tao talagang gustong mabili ang isang bagay, makakagawa ‘yan ng paraan para magkaron ng pera kahit wala s’yang pera.
Pano mo mapapasali yung mga nagpapalusot na wala silang pera?
Gawin mong parang iPhone at parang mga Apple products ang business mo.
Make your offer sexy and irresistible. ;)
Madali lang naman.
Ito yung ilan sa mga pwede mong gawin.
Sa Apple, madalas nilang pinapakita sa mga video presentation nila kung ano yung istorya sa likod kung pano nabuo yung mga products nila.
Minsan kinukuwento at pinapakita rin nila kung ano yung prosesong pinagdaanan para gawin yung mga products nila.
At ginagawa nila yun sa pamamagitan ng pagkukuwento, by telling you entertaining stories at sa paraan na madaling maiintindihan ng mga tao.
Sa paraan na masasabi nila yung benefit ng kanilang mga products sa entertaining na paraan.
Nakaka-impress yung mga video nila dahil mare-realize mo ang lupit pala ng pagkakagawa ng mga products na nila. Pinagisipan talagang mabuti at talagang very useful yung mga feature (Fanboy alert).
Pwede mo rin gawin yun sa pag-present mo ng mga products at opportunity mo.
Pano? Ganito…



  • Lista mo lahat ng mga benefits ng products at opportunity mo.
  • Magbigay ka ng kuwento na madaling maiintindihan ng mga tao.
  • Imbes na sabihin mo na number 1 ang company mo, ikuwento mo kung ano yung vision ng company n’yo bakit ito nabuo, at kung sino yung mga tipo ng tao na gusto n’yong matulungan.
  • Imbes na sabihin mo na napakalupit ng products n’yo, ikuwento mo san ba ito nanggaling at pano ba ito naimbento. Sino yung mga taong nagimbento at syempre…
  • Ikuwento mo rin kung sino na yung mga tao na natulungan ng products at opportunity mo. Etc.
Apple and android user ako, at maraming tao na magsasabi na mas maganda pa ang specs at features ng ibang mga cellphone.
Pero wala talagang panama ang ibang mga companies pagdating sa marketing na ginagawa ng Apple.
Ang point ay simple lang naman…
Kapag nagawa mong kasing sexy ng apple products ang pag-explain, at pag-promote mo sa mga products at opportunity mo,
…kahit walang pera ang mga prospects mo ay makakagawa pa rin sila ng paraan para makasali at makabili.
Sa sobrang ganda ng istorya at pag-present mo, kahit hindi mo pa sinasabi yung presyo ay sold out na sila.
Ito yung isang sikreto ng Apple kaya sigurado sa unang lingo pa lang, pag-release ng iPhone 6 dito sa Pinas ay milyon-milyon nanaman ang kikitain nila.
http://www.ignitionmarketingph.com/moneymakingsystem/?id=paul



No comments:

Post a Comment