Ano Ba Ang blog?
Blog : pinaghalong termino ng "web" at "log".
Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na "talaan sa web"). Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Karamihan sa mga tao ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat kasunod ng blog na iyon. Tinatawag na mga blogero (mula sa Ingles na blogger o literal na "taga-blog") ang mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero sa mga blog ang kanilang mga opinyon at mga naiisip.
Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa; ang ilan naman ay ginagamit ito para gawing online diary (talaarawang nasa internet). Isang mahalagang bahagi ng mga blog ay ang pagiging interaktibo, iyon ay ang kakayahang mag-iwan ng mga komentaryo mula sa mga taong nagbasa ng isang partikular na blog.Karamihan sa mga blog ay binubuo lamang ng purong salita (o textual), pero mayroon ding nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog), larawan (photoblog), mga bidyo (video blogging), musika (MP3 blogging), at mga tunog (podcasting). Microblogging naman ang tawag sa blog na sobrang ikli.
Ang salitang weblog ay unang narinig mula kay Jorn Barger noong Disyembre 17, 1997. Habang ang pinaikling anyo nito - blog ay mula sa isang biro ni Peter Merholz noong Mayo 1999. Magmula noon, nagsilbing isa sa mga pinakaimportanteng bahagi ng journalism ang blogging.
Pwede mo din ito gamitin sa iyong business kahit ano pa ang pinopromote mo ang blog ay isang personal
authority mo na pwede kong papuntahin ang mga prospect mo para i educate sila sa business na ginagawa mo
No comments:
Post a Comment